?

Log in

No account? Create an account
taohun

82416 - Day 1 (Break up)

[Meh~]So.... dapat ba akong magsulat o hindi? Pero kasi hahaha. Kailangan ko mailabas to please. Hehe. Naalala ko na naman siya siyempre. Naalala na naman kita.

Sa pag gising ko inaabangan ko kung tumawag ka o nag-text man lang. Nami-miss ko na yung good morning messages mo, yung paalala mo na kumain na ako, na gumising na ako! Bakit ako tumatawa? Wala namang nakakatawa. Gusto ko na ngang umiyak eh. Kasi namimiss na kita ng sobra. Pero ang hirap pala talaga pag ikaw na ang tumigil sa paghabol sa akin. Grabe ang pagkamiss na ito. Hindi ko kinakaya (kakayanin ko sir! Huhuhu)

Tapos linga ako ng liga sa offce, nagbabakasakaling pupunta ka one last time. Umaasa ako na sa pagpunta ko sa admin building ng pabalikbalik ay baka makasalubong kita? Or masulyapan man lang siguro. Wednesday ngayon no? Hindi na tayo makakapag-couple color? :( Wala na no?

Kanina tinagalan ko talaga ang pagakyat. Para baka puntahan mo ako sa office? I doubt that. Di mo nga ako pinuntahan nung umaga eh. Kaso akala ko pag akyat ko nasa taas ka na. Akala ko baka makikita mo pagpasok ko! Hayyy. I love it when you watch me. Kinikilig ako. Pero hindi na pwede eh.

Tapos ayun umalis kayo ni Clyde. Ay bago pala yun si Ariane pinagpareceive ko nung memo natin. Ummm. Pangit ng sulat mo... Ayusin mo please? Nahihirapan ka rin ba? Parang hindi naman eh. Hahaha. Tapos ayun nga, umalis na naman kayo. DOTA na naman? Sayang hindi kita napanuod maglaro niyan... gusto ko pa naman sa lahat ay yung chinecheer ka! Ni minsan hindi ko nagawa. Bakit ako umiiyak? Dahil sa mga nasayang na panahon? So kailan na kita maichecheer eh move on na nga diba? I'll stay true to my word. Malaya ka po. Ayaw kong matali ka sa akin. Two years. Maraming maaring mangyari.

Ngayon mo lang talaga marerelize kun anong nawala mo no? Pag huli na ang lahat? Pag nasa huli na?

I miss you baby...

Sana dumaan ka kasi kay Ariane.... sana niligawan mo mga kaibigan ko. Sana ginawa natin ng tama to. Sana tayo pa rin hangang ngayon. Hindi lang yung nakasanayan yung namimiss ko. Pati tayo. Tayo mismo. Tayo na magkasama. Tayo na masaya. Bakit ganun? Namimiss pa rin kita? Ako na nagsabi ng tigil na. Kailangan ko tong panindigan!!!

So ayun, umalis ka na. At ako umalis na rin para magpareceive. Nakakapagod. Ang tagal ko nang di naglibot ng ganun! Hahaha. Admin building lang yun ah tsaka sa SCOPE! Wala pa yung tatlong academic building! Megersh! So tiring!

Tapos ng naakyat na ako, nagpapractice na kami. Freudian slip. I was hnestly not thinking about you. Rady kasi yung word tas imbes na 'radyo ni joy' ay 'radyo ni roi' ang nasabi ko, WAHAHAHAHAHAHA! Alam mo yung tinginan naming apat (ako, ariane, ang, nini) bago namin narealize yung nangyari. Natatawa ako na naiirita. Bakit ko inisip yun? Paano ko nasabi yun? Freudian slip baby. Huhuhuhuhu.

Tapos yung punyemas na dance studio na yan. Ni minsan di kita nakasayaw ng maayos dun. Napakasayang! Ang tanga tanga ko! Bakit natin sinayang ang panahon! Bakit ko sinayang!

Ilang beses kitang naalala sa maghapon, ilang beses kong inantay ka na makita muli, ilang beses akog umasa na masusulyapan ka, o mahuhuli kang nakatingin sakin but damn! I was so disappoited! Pero gaga! I am moving on! Di ko na rapat ikaw hanapin pa! Tama na puso! Magpahinga ka na muna! Please! Isama mo pa yang Adriane na yan na nanunuya! Ang sarap bigwasan! Di naman kailangan ipagsigawan yun! Hindi niya dpat ipagsagawan ang pangalang nagpapagalak sa aking puso! Bwisit na lalaki!

Nasasaktan ko si Ariane. Naawa na ako sa kaniya. Alam kong prinoprotektahan niya ako mula sa aking sarili. Naiintindihan ko ang pagaalala niya, kaya sana ikaw rin, at iyon ay dahil mahal niya akong bilang kaibigan. Isa rin sa mga nais matutunan mo kapag naayos na ng tuluyan ang gulo na ito na, oo, pipiliin ko si Ariane over you. Kaya wag na wag ka na sana muling magtangkang awayin siya, lalo na sa harapan ko. Sana pag nakahanap ka na ng babaeng mamahalin mo pa ng mas todo, sana mautunan mo iyon. Ayos lang maging basehan mo ako, maging experience, kung doon ka lalaya at kung doon naman din mapapadali ang buhay nating lahat. Hala sige, handa akong masaktan.

Comments