?

Log in

Hello baby!

[Graveh]

Alam mo nung nawala ka, ang weird ng paligid kasi walang nakabuntot sa akin at wala akong binubuntutan. Tapos akala ko pa, overnight lang kayo, makikita agad kita bukas. Kaya nung sinabi ko na nagkkwentuhan kami ng Wednesday tungkol sa mga nangyari ng Tuesday, parang ang tagal na. Baby totoo, kasi ang tagal mong nawala eh... parang ang tagal talaga totoo! :(

So I was really anxious to see you~~ Nawalan ako ng gana na pumasok ng Thursday, edi ayun, di ako pumasok. Sa seminar na lang, kasi may pagkain naman dun so okay lang hehehe. Kaso sayang nakatulog ako sa talk nung speaker. Nagising ako nung naghuhugutan na. -__- Dami nilang hinuhugot. Barda ugggg!

Tapos nung hapon na, gutom ako, walang magawa kasi wala akong nadownload na manga at wala akong mabasa na fic kasi nabasa ko na lahat. I miss you terribly. Galit nako hahahahaha. Tapos ayun, nung nakahanap ako ng pera sa bag ni Ariane, bumili kami ni Jimlee ng mga kwe-kwek, kwek-dog, tsaka ball something. I hate you. Tagal mo!

NANG BIGLANG!!!!!

MAY BUSSS!!!!!!!!! OMG MAY BUSSS!!!

Napasigaw ako ng "Jimlee!!!!" Hahahahahaha. Tapos nagulat siya na sumigaw ako tapos sinabi ko na yun na nga yung bus ninyooo T___T Bebekooooo andiyan ka naaa!!! NNaiimagine ko na yung pagtakbo ko sayo at pagyakap!!!! Sabi nga ni Jimlee parang di nagkita ng ilang taon, OA ko no? Eh sa miss na kita :( I missed you so much! Bwisit lang ang tagal mo. Wala pa akong phone kaya di ko alam kung anong nangyayari na =3333= Kainis.

Tapos bebeh, alam mo, nadagdagan inis ko nung nakita ko na ang daming tao sa gate ang bagal nila kumilos shibal nasaan na baby ko ano na nangyayari putik yan bakit hindi nagpapasok.

Ayan, ganiyan, tuloy-tuloy, paulit-ulit nakakabarda lalo!!!

AY ABA, MAY BOMB THREAT!!!! Kalokaaa!!! Mga walang awa! Mga hangal! Barda! Yung bebe ko nasa loob! Ayaw kaming papasukin ayos namaaaan. Andoon pa sila Patot, Bayot, at Nini. Mygahd. Mayhart. What do you want me to do :(

Gusto ko sumugod! Pero nagpapalabas na lahat ng mga estudyante. Edi tumabi na kami nila Jimlee ng makita na namin si Patot dala yung mga gamit namin. Tapos doon na namin hinintay sila Nini at Bayot sa may pinagkukuhaan ni Jimlee ng buhangin. Tapos doon na kami nagsimulang maglakad papunta sa Milk Tea shop. Edi ayun na. Doon kami naghintay at doon ako napraning.

Buti kalmado lang naman sila. Ako pinipilit kong kumalma kasi ayaw kong maging pabigat dahil alam kong lagi na lang akong dumadagdag sa problema nila. Hehe, totoo.

(BWISIT KA, AS I AM TYPING THIS, LECHE KA ALIS KAYO? EDI UMALIS KAYO! WAG KA NANG BABALIK! PUTIK! Sabi ko pa naman di nako aawra sigi kaaa!!!)

Basta natakot ako.

Di ko pala kaya mawala ka. Alam mo yung three months? Totoo yun, tapusin ko lang sem na to tatagan ko na sarili ko para malimutan ka. Gusto ko talaga malimutan ka para maging malaya na ako. Di nako mahirapan. Ewan.

Pero kahapon? Realizations happened. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makita lahat sa panibagong mata at pangyayaring iyun ang nagparealize sakin na mahal pala talaga kita. Mahal na mahal kita.

Ewan, baliw na? Ewan.

Nakakainis kasi ngayon narerealize ko na rin na di na pala ikaw ganun kainvested sa akin? I mean, nag-iba ka na rin pala.

Huli na ba na ibalik tayo sa dati? palagi na lang po tayong naga-away. Di na ako magw-walk out, din ako aalis ng magkagalit tayo. Kailangan na nating pagusapan lahat. I don't want to promise pero hahabaan ko na po talaga ang pasensya ko. Di ko na po uulitin yung mga nakaraang pagkakamali ko. Mahal kita.

Akala ko noon pag nag-break tayo, okay lang basta maging okay tayo. Parang breaking up is the way for us to be okay, edi go. Pero baby, I love you, so no. Let's not fight anymore?

I am sorry I have been unfair. Babawasan ko na rin ang pagiging selosa, babawasan ko na rin po pagiging, needy. Pwede ka nang makipag-chat sa iba, di ko na lang ipapakita na nagseselos ako :) Okay lang din sa akin kung di ka na magpapaalam kapag aalis ka. You are your own person.

I love you. You are free.

Comments